Intramuros
Ito ay kilala din sa tawag na "The Walled City". Tumutukoy sa kuta o lungsod na napapalibutan ng pader. Noong kapanahunan ng mga Hispano, ang Intramuros ay ang mismong Maynila. Ito ay sinira ng mga Hapones sa dahilang ito ay ang pinakamagandang parte ng Maynila, muling inayos noong Hunyo 16, 1952.Ito din ang pinakamatandang distrito sa Maynila. Itinayo ito ng mga Espanyol bilang proteksiyon sa mga katutubong Muslim atTagalog, noong panahon ng pananakop ng Espanyol.
Rizal Park
Ang Rizal Park ay kilala rin sa tawag na "Luneta Park". Ito ay tinuturing na isa sa pinakamalaking park sa Timog-Silangan Asya, ang Rizal Park ay may sukat na 58 hectares.Noong panahon ng Kastila kilala ang lugar na ito bilang Bagumbayan. Dito din ginaganap ang mga pagpatay sa mga rebeldeng Pilipino. Noong 1902, plano ng architect na si Daniel Burnham na gawing sentro ng gobyerno ang Luneta at dito itinayo ang Executive House, Kagawaran ng Turismo at Department of Finance.
Tinawag itong Rizal Park bilang pagalala at parangal kay Dr. Jose Rizal na binaril dito noong Disyembre 30, 1896 at inilibing ang mga labi niya dito noong 1912.
REACTION
Noong una iniisip ko na agad yung biyahe kasi malayo saamin ang Rizal Park Excited ako na makapunta ulit sa Rizal Park kasama ang mga classmate ko, pangatlong beses kong makakapunta sa Rizal park at first time ko naman na makapunta sa Intramuros. Naging masaya naman ang aming pag bisista sa Luneta at Intramuros, nakakapagod nga lang ang maglakad at maligaw papunta roon..
Habang nasa Intramuros kami namangha ako sa mga pader na nakapalibot dito. Nung nasa tapat kami ng Manila Cathedral kami ng Intramuros, namangha ako sa ganda ng simbahan. Nung nasa loob na kami ng Manila Cathedral naging tahimik kame at nag dasal. Iniisip ko din ang mga nangyari noon sa Intramuros at kung paano ito ginawa ng ating mga ninuno.
At noong nasa Rizal naman kame namangha ako sa ganda at sa design ng Luneta. Iniisip ko kung saan banda pinaglakad at binaril sa Rizal at kung ano ang mga nangyari noon. Naging masaya ang pagpunta ko doon, dahil kasama ko ang aking mga classmate.
Ang pagbisita sa mga lugar na ito ay talagang mahalaga hindi lang dahil sa ganda ng lugar, dahil din sa nakaran na nangyari dito na dapat pag aralan at malaman natin upang masuportahan ang ating mga ninuno o mga bayani na nag hirap upang makamit ang ating kalayaan. Napagtanto ko rin na ang pag-aaral sa kasaysayan ay maganda at nakakaexcite.
PHOTOSTORY
Nung nakarating kame sa Luneta
Unang monumento na malapit sa entrance ng Rizal Park.
Monumento ni Lapu-lapu
Statue of Marcelo H. Del Pilar
Sa loob ng Chinese Garden sa Luneta
Habang papunta sa Statue ni Dr. Jose Rizal nadaanan nmen ang Orchidarium
Huling pinuntahan namin sa Luneta ang Statue ni Dr. Jose Rizal
Entrance ng Intramuros matapos ang mahabang lakaran.
Habang papunta ng Manila Cathedral
When we reach the Manila Cathedral
Nung pumasok kame sa loob ng Manila Cathedral